Aa... Ee... Ii... Oo... Uu...
Kinder pa lang, may gusto na 'ko sa'yo. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko. Ikaw lang ang nagpapangiti sa'kin sa tuwing wala pa kong sundo. paiyak na'ko sa sobrang tagal ng sundo pero napapawi pag alam kong natatanaw pa kita. Wala akong magawa kundi tumitig sa'yo. Nahihiya ako ng sobra sa'yo. Ang pakiramdam ko noon, langit ka at lupa ako. Oo, totoo. Hindi drama yun.
Ba-sa... Basa... Ku-bo... Kubo... Ba-hay... Bahay...
Grade 1. Ikaw pa rin. Pero di tayong magka-section. First time kong mahiwalay sa'yo. Kahit ganun pa man, ikaw lang ang hinahanap ko sa kabilang section. Ewan ko ba, sa liit at kitid pa ng utak ko alam ko na kung paano magbigay importansya sa'yo. Kilala mo si Angelo, si pagong. Siya lang ata ang kaklase nating lalaki mula noong kinder. Alam niya lahat to.
1 + 1 = 2
Grade 2. Magkaklase na ata tayo uli noon. Si Ma'am Pascual din ba titiser mo noon? Siya titser ko. Ganoon pa din naman pagtingin ko noon, kahit magkaiba pa tayo ng titser. Wala ba kong ibang nagustuhan? Alam ko, WALA. Ikaw lang talaga. Eh kasi naman ang ganda mo. Ang bait mo. Ang simple mo. Every man's dream. At oo, napapaniginipan kita. At syempre di mo pa rin alam yun. Mahirap na baka iwasan mo ko.
8 x 7 = 56
Grade 3. Magkaklase ba tayo nun? Sino ba titser natin noon? Ay, Si Ma'am Balingit ata? Tama ba? Basta............ Ikaw pa rin. Nahilig na rin ako nun sa basketball. Naisip ko kasi baka sakaling pansinin mo ko. Pero nanatili kang tahimik sa kabila ng mga sigaw ng puso kong kausapin mo ko at sasabihin kong mahal na mahal kita. Pero wala, tahimik na lang ulit ako. haha. Pansin mo ata, na di kita masyadong kinakausap. Simple lang, pakiramdam ko langit ka at lupa ako. haha.
Long Pants na!!!!!!
Grade 4. Eto sigurado na ko, si Ma'am Balinigt ang titser natin. Grade 4 - Turquoise. Ayan, medyo malaki na tayo.pero ganoon pa din ako sa'yo. Walang kibo at patay malisya sa puso kong nagaalab sa pagmamahal sa'yo. Ganoon ka din ata, kasi di mo lang ako inaapproach. haha. Mali mali, dapat ako pala magapproach. haha. Sorrrrry na. Teka nagkagusto ka rin ba sa'kin? Kanina pa ko kwento ng kwento, ikaw naman. Nagkgusto ka nga kaya sa'kin?????
Si Ma'am HELE. My Favorite Teacher!
Eto nawala si Angelo dito ehhh. Lumipat ng school. Dito rin ako nagkaroon ng karibal sa'yo. Akala ko akin ka na hehehe. Singit pa si Byron. Alam mo bang inis na inis ako sa kanya noong nalaman kong may gusto siya sa'yo. Nag-away kami noon ehhh. Dahil ata sa sinulid o karayom.
Di naman talaga ko pala away pero sineryoso ko yun. Pakiramdam ko noon ikaw ang pinagaawayan namen. Syempre awat agad si Ma'am HELE (Ma'am Isa). hahaha.
ECNEICS! otid ok narealized laham ok gna ECNEICS!
SI Ma'am Eliano ang adviser natin. Siya rin ang sa science natin. Last year ko na to para sabihin sa'yo ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero walang nangyari. Maraming tao. Andoon si ate Grace, si ate Michelle. Pati si sir -a-r--n--......... hay. basta ngayong alam mo na lahat. Isa lang ang nais ko. MAHAL NA MAHAL KITA! mula kinder hanggang ngayon. +)
No comments:
Post a Comment